Bakit ba kung sino pa ang matalino, Sila pa ang tanga?
Thursday, January 26th, 2006
Bakit ba ganito? Kung sino pa ang may alam nang kung ano ang tama, sila pa ang gumagawa ng maraming mali? Bakit ba kung sino pa ang may angking katalinuhan, sila pa ang gumagawa ng masama? Bakit ba ganito?
~o~o~o~o~o~
Ayos sana ang araw ko. Wala na sana akong iproproblema. Akala ko magsasalita lang ako ng aking linya at uuwi na. Pero… Mali pala ako…
~o~o~o~o~o~
Uwian na. kaso may practice pa pala kami doon sa speechfest dahil nanalo kami. Kaya pumunta ako… Nainis ako sa kakahintay kasi wala pa ring nangyayari… Inaaya na ako ng kaibigan kong umalis pero ayoko pa… Maya maya nakuha na ang cast pero onti lang kaming dumating…
Maguumpisa na pero nagalit ang isa kong kaklase dahil sa mga ginagawang mali. Sumagot ang matalino kong kaklase sa gamit ng mga matatalinhagang salitang philosophy ^^ at tumawa dahil sa isa kong kaklaseng walang alam kung kailan magpapatawa ^^ at dahil dun pinagalitan naman ng kaklase ko yung isa at ang sagot… aba e ang mga matatalinhagang salita syempre MATALINO e ^^ umiyak na ang munti kong kaklase… at lalo lang ginago ng dalawa kong maalinong kaklase at isa kong tangang kaklase na tawa ng tawa na parang walang alam sa nangyayari… paulit ulit sigaw ng sigaw tawa ng tawa. hanggang sa dumating na ang president. para ayusin ang problema… habang nangyayari ang gulo inaayos ko ang bag ko nag reready na umalis dahil mukang wala naman mangyayari kundi sigawan… pero nung nahawakan ko na ang payong ko… bumilis ang pagdaloy ng dugo ko at tinapon ko yung payong at sumigaw "TAMA NA NGA YAN TANGINA!!!" at nabigyan ko ng onting oras ang pres namin para ayusin… at pinagsusuntok ko ang pader sa tabi ko… wala akong naramdamang sakit dahil sa bilis ng daloy ng dugo ko…
Maya maya maaayos na sana kung hindi dahil sa MATALINO at DISIPLINADO kong kalase ^^ ayan tatlo na ang nagaaway… umuwi na ako sa oras na iyon… dahil alam ko wala na itong katapusan… at napikon ako sa kaibigan kong wala man lang alam sa nangyari nung araw na iyon…
~o~o~o~o~o~o~
I guess isa rin ako dun sa mga matatalino… na kayang magpatawad pero hindi makakalimutan ang nangyari… at pahabol pasensiya na sa mga sinigawan ko… nawalan lang ako ng kapangyarihan sa puso kong nagdadala ng galit… pasensiya na… kung galit kayo… ok lang pagkat onting parte lang kayo sa buhay ko ^^