Isang Mensahe Para Sayo…

         Kamusta? Andito nanaman ako… Ang kulit ko ba? Pasensiya na pero ang puso ko talaga ay tanging sayo lamang… Kahit alam ko na meron ka nang iba. Andito pa rin ako, umiibig sayo… Noong una kitang makilala… Akala ko wala ka lang sa buhay ko… Isa ka lamang doon sa mga magiging kaibigan ko… Pero yun pala… Iba ang nangyari…

 

        Nung unang araw na nakilala kita. Ewan ko kung bakit pero dinededma kita at tinotorpe nung araw na iyon… Siguro dahil noong nakaraang taon ganun din ang pag-iisip ko… Pero ikaw ang nagbago sa akin dahil sa sadya mong kakulitan… Naging magkaibigan tayo. Hindi ko ito binigyng pansin pagkat isa kang babae. Ang pagkakaalam ko, kakausapin ko lang kayo tapos pag binago na kung saan mauupo. Kakalimutan na kita. Ganyan Kasimple ang aking Buhay. Kakausapin kita sa oras na katabi kita at kakalimutan pag nawala ka na. Pero… Ito ako… Nakatingin sa iyo… Kahit gaano ko kaayaw mangyari ito sa akin… Napakagat mo ako… Pinabayaan ko ang sarili kong madala. Akala ko kasi maganda itong pangtulong sa aking pag-aaral… Pero nung dulo kung saan alam na halos nang lahat… Lumayo ako… Inisip kong hindi na kita mahal… Akala ko wala na… Malaya na ako… Pero… Pagdating nang Bagong Taon. Nakita nanaman kita. Bumilis ang tibok ng puso ko. Agad kong inayos ang aking sarili at itinago ko ito…

        Alam kong hindi mo ako Mahal… Alam ko na meron kang iba… Alam ko lahat yan… Pero gusto ko lang malaman… Nariyan din ba ako sa puso mo? O talaga nga bang… Hanggang kaibigan lang ako?

 

~o~o~o~o~o~o~

 

Wow… Inlab nga ata ako… Anyways itong mensaheng to ay may katotohanan pero… Wala talaga akong lakas ng loob talaga para sabihin ito sa kanya… Hay… Antanga ko talaga… Marami namang ibang nagmamahal sa akin… Bakit pa ba ako nagpapakahirap? Ay ewan ko ba…

Leave a Reply