Archive for February, 2006

Maraming Nais Sabihin, pero…

Sunday, February 26th, 2006

      

Hay… Marami akong gustong isulat na mga masasaya sa blog ko… pero mas nangibabaw ang dusang nadama ko sa tatlong araw na ito… Sakit na lumalala, Katawan biglang Nanghihina, Nangingisay pa minsan, Hindi makahinga, Nangangati ang katawan, pangangati nang lalamunan, pagsusuka, pagubo, pagsipon, atbp.

        Andami kong sakit sa tatlong araw na ito. Para bang kukunin na ako nang diyos… pero bakit pa ako nagdudusa… bakit hindi niya na lang ako kunin? napatingin ako sa isang tali naisip ko ilambitin ang sarili ko at magpakamatay para mahinto ang pagdurusa ko pero… may pumipigil sa akin… mukang kailangan ko talagang magdusa kapalit sa lahat nang kasalanan kong ginawa sa diyos… bago niya ako tuluyang kunin… ay hindi ko alam…

        Wala na akong maisip… hindi ko na kaya… magpapaalam na lamang ako…

You’re Beautiful By James Blunt

Thursday, February 23rd, 2006
My life is brilliant.My love is pure.I saw an angel.Of that I'm sure.She smiled at me on the subway.She was with another man.But I won't lose no sleep on that,'Cause I've got a plan.

You're beautiful. You're beautiful.You're beautiful, it's true.I saw you face in a crowded place,And I don't know what to do,'Cause I'll never be with you.

Yeah, she caught my eye,As we walked on by.She could see from my face that I was,F**king high,And I don't think that I'll see her again,But we shared a moment that will last till the end.

You're beautiful. You're beautiful.You're beautiful, it's true.I saw you face in a crowded place,And I don't know what to do,'Cause I'll never be with you.You're beautiful. You're beautiful.You're beautiful, it's true.There must be an angel with a smile on her face,When she thought up that I should be with you.But it's time to face the truth,I will never be with you.

~o~o~o~o~o~

I just kinda relate to it...

Walang Saysay…

Monday, February 20th, 2006

        Bakit pa ba ako nagsusulat dito? Tinatamad na ako!!! Ayoko na!!! Wala lang gusto ko lang sabihin iyon… Hindi naman ako Malungkot ngayon pero gusto ko lang malungkot ako… Hay at parang handang handa na ako mamatay… Dahil sa tingin ko nagawa ko na ang mga gusto kong gawin sa mundong to… At Masaya na ako doon… Pero nasa diyos ang sagot kung pwede na ako mamatay… Kung ayaw pa niya ako mamatay wala akong magagawa doon. 

        Pansin niyo nagbago nang kulay yung mga sinusulat ko at nagbago din ang laki nang aking pagsusulat… Hay gusto ko lang ibago bago nang onti ang aking blog pagkat ako’y nagiging masaya na hindi na ako nagtatago sa dilim tulad nang dati… At yung titulo nang sulat ko? wala tinatamad lang ako magsulat na… para nga kasing wala nang saysay… pero wala akong magagawa nga…

        Hay Tapusin ko na nga ito tinatamad na talaga ako magsulat… Salamat na lang sa mga bumasa ^^

Valentine’s Day

Tuesday, February 14th, 2006

        Ang Sarap Mabuhay!!! Dahil sa araw na ito. Parang nawalan ng bigat ang aking dibdib! Ang Madilim kong kwarto na may sirang bumbilya ay nilagyan na ng ilaw! Hay, Kay Sarap Mabuhay ngayon!!! Nakakuha ng regalo. Nagbigay nang regalo. Parang Pasko diba? Pero tayo ay nagbibigayan sa ating mga minamahal.

        Hay… Ano kaya iniisip niya sa tatlong piraso kong regalong yun… Nagugustuhan niya kaya? Mga kaklase kong iba binigay Gerero  na tsokolate ako… yung nabibili lang dun sa canteen na 3 pesos lang bawat piraso… Nandidiri siguro siya sa akin… Hay… Hindi bale naging masaya ang Velntines ko ngayon dahil sa mga nangyari ngayon!!!

        Hmm… Sino kaya yun… yung may tinatago daw sa akin? Parang gusto kong malaman a… Bale malalaman ko yan bukas… Hanggang dun lang ^^

Pinuno..

Friday, February 10th, 2006

     Pinuno, kinasusuklam ko ang salitang ito. Pag may nakita akong Pinuno, Iniisip ko kaagad na tulad lang ito ng iba na habol lamang ang lakas… Pero ito ako… Isang Pinuno…

Dahil daw magaling ako sabi nang aking guro kaya daw ako ginawang pinuno. Pero may mas magaling naman sa akin. Sa labin-walong estudyanteng lalake sa aming klase. Ako ang nabigyan ng responsibilidad na ito. May mas dadaig naman sa aking galing. Pero bakit ako?

Hay… Simulang naging pinuno ako. Aking ibinigay ang lahat pero sino nga naman ako. Isa lamang ako sa apatnapu’t tatlong estudyante sa loob ng Seksyong Santa Barbara. Na tila walang tiwala sa sarili. Ay ewan ko ba..

~o~o~o~o~o~

Maikli lamang itong sinulat ko pagkat ako’y may bigat pa sa kamay. Kaya ako’y humihingi ng pasensiya sa mga nagbabasa nito.

Nalaman mo na…o ano na?

Friday, February 3rd, 2006

        Ang Sikreto kong binabantayan ko… Nalaman na ng klase… Alam ko alam mo na noon pa… Pero dahil hindi pa masiyadong alam ng klase, hindi mo binigyang pansin… Pero ngayon… Alam mo na… alam na nila… Nabulgar na ang aking munting sikreto…

        Ngayon tinatanong ko sa iyo… Ano na? Anong nararamdaman mo? Naiinis ka ba? May ganoon ka rin bang ramdam sa akin? o… Ano na?

        Ay ewan… Ilang beses ko na ikaw ininis pinikon at kung ano para hindi mo malaman ito… Pero dahil lamang sa isang Aralin na tungkol sa pag-ibig… nabulgar ito… Wala na ang aking munting sikreto… Wala na akong magagawa… kailangan ko na panindigan iyon… pero gusto kong malaman ang sagot mo… Sa aking mga tanong…

        Ano na? Anong nararamdaman mo? Naiinis ka ba? May ganoon ka rin bang ramdam sa akin? o… Ano na?

Hay buhay…

Naiilang dahil sa inyo…

Wednesday, February 1st, 2006

        Storya? Sensya na pero wala akong oras para pahabain itong sulat ko… Nais ko lang magsulat nang kung ano nangyari ngayon, kaya hindi masyado maayos ang aking pagsusulat… Ok ano ba dapat kong sabihin… Ah! Yung title bakit Naiilang? kasi nailang ako ngayon dahil sa mga katabi kong babae… Siguro alam niyo na na pagdating sa babae manyak ako pero pag ang babae ang manyak natatakot ako… kulit no? sa salita kaya kong sabihin yang mga masasagwang salita na iyan pero sa gawa… hindi ko sila magawa… Ano pa ba ang nangyari ngayon…

        Alam ko na ang kanan kong kamao ay hindi makakagalaw muna for 1 month dahil sa mga suntok na inilabas ko sa mga pader… Ganun ako kasira e… hindi ko kayang saktan ang kapwa tao ko kahit gaano man siya kagago… kaya ko lang saktan ang sarili ko…

        Ano pa ba… sandali papaalala ko lang sa akin… TELEPONO!!! CEB!!! yan para may maisip ako sa susunod kong isusulat… ok yun lang XD