Archive for March, 2006

Just got some time…

Friday, March 31st, 2006

        Well I got some time to write… The color thing ain’t working… crap… Oh well black is a good color right? Bah Nevermind… I just had some time to write and so… yeah… Let’s see… The past post was all… yucky… but nevermind that… I just remembered! I’m not kicked-out anymore!!! I know it’s a late post but I just wanted to tell that…The guy in the OSA said that we just had to pay 500 pesos (each of us) and write a Reconsideration letter for the Principal and poof. We’ll be free!!! Yay for us!

        Ok that was… Short work ain’t it? Let’s make it long… Oh yeah about he LAST DAY!!! No this is not one of those mushy stories… Well on the Last day… I got a hug from a friend… I know I lied! It’s a first hug that I got… and umm the feeling was weird haha! It was warm and stuff… I actually liked it! Crazy I know… I never gave hugs even to my first ahem… Stolen first hug LOL!!! Weird… Now what can I talk about now… I’m losing Ideas… I’m trying to stop mushy stories for now because I might kill myself if I think about it too much… But who am I kidding I need to talk about it… Well I’m currently thinking of her reaction at what I just said to her and… The Speechless thing and the Smile thing… It didn’t make me happy… especially the leaving part… But what did a guy like me should expect? Here an I Love you back? hahahahaha that’s just stupid… But I did wish there was an answer back like… "Sorry but umm I kinda don’t like you so go away." Even though it hurts atleast there’s an answer back… Life is crazy…

        OOH It’s April FOOLS day… Damn I hate this day I always get picked on at this days… Oh well no choice but to see what happens for my day… I know the things written here are all messed up but umm just try to understand it. ok? Kthxbai!

March 28, 2006

Wednesday, March 29th, 2006

        The Last Day of School… And this is were we will be Scrambled again… I hate it when that happens… I love II - St. Barbara… It raised my confidence to places that I never thought it would reach! I learned how valuable friends are! I learned to have emotions! I learned to socialize with specifically girls. I learned so many things in this section… And in this section I met someone that I can give my life for… Even though I know… I’ll never be with her… Ever…

        She already knows my feelings… Thank God that I had that courage to tell her how I love her… And of course I thank my friends that raise confidence too… If it weren’t for them I might still be here thinking about it… Wanna know how I said it? very well then… Dismissal was given! And so my classmates gave goodbye’s to each other I didn’t think of saying it to her since I had no guts… then I saw her leaving… I called her… She looked back at me and said "Thank you" I didn’t get that but yeah she said thank you… Then I said that I don’t have a crush on her. She answered back "I know! Who said that you had a crush on me anyway?" I said "Wait… I’m not done yet…I don’t have a crush on you because… I Love you…" And she was speechless… and Left… Not Romantic I know… Well My Goal wasn’t to get loved back My goal was to tell her my true feelings… and that’s enough for me ^^

I think some people here are confused…

Crush = An Idol
Love = you get me someone you’ll give your life for blah

        Just fixed that up hehe… And to tell you the truth… I’m this stupid to still love her until now… Next School Year I’ll still Love her… and the next year after that… or should I say until I die? I guess I should say that because I’m THAT stupid >_< First love?  well not really but /swt I really should not grow up fast or I’ll regret it… I just remembered some story…

        A Teacher was at the Flower Grounds with her Student. The Student asked the teacher "When will I find My Soul Mate?" The Teacher answered "Go find me the most perfect flower here at the Flower Grounds then give it to me…" The Studen’t didn’t get it but just did it… An Hour later… The Student came back but with no Flower. "Where’s the flower?" The teacher asked. "I couldn’t find a perfect one… I saw this good one but I thought there’ll be a better one and then I saw another one but I thought there’ll be a better one until I ended up finding nothing…" Answered the Student. "And that’s the answer to your first question… You’ll think this one is your soul mate but actually there’s a better one and a better one and a better one… it goes on and on until you find no one…"

        I believe in that story but I’ll still stick to this one…

~o~o~o~o~o~o~

So much to tell >_< But I’m tired DX Next time ko na lang sabihin… gawa lng ng keywords

hug, kiss, err o.o Vacation? blah maaalala ko rin kung ano isusulat ko DX and oh yeah the hindi na ako kick out thing XD

Halo Halo!!!

Monday, March 20th, 2006

       

Pasensya na pero naguguluhan ako ngayon. dahil marami akong dapat sabihin sa inyo. Unang una ay ano ba yaong nangyari at nagpapaalam ako? May mga nasabi akong blackboard, lilipat ng skwela, Ano ba ibig sabihin nun? Ano ba nangyari?

Part 1!

       Kaya andito ito para masabi ko yung parteng yon… Umpisa muna tayo sa nakaraang Taon… Nung nakaraang taon kasi napagtripan ng kaklase ko na suntukin yung board lumubog lng siya pero hindi nabutas pero dahil sa akin at sa isa ko pang kaklase… nabutas to ng tuluyan pinaglaruan e… ngayong patapos na ang taon… narinig namin kung magkano yung kapalit ng kalokohan namin… isang maliit na butas ay naghahalaga ng WALONG DAAN!!! isang sobrang napakaliit na butas WALONG DAAN!!! Nagulat kami sa aming narinig. Kaya napagplanuhan namin na wasakin ng tuluyan yung board… mamayang uwian nagumpisa na kami… Siniko ko yung board at kung ano sinipa ng kaklase ko at sinuntok ng iba ko pang kaklase… duguan ang aming mga kamay… Maya maya nahuli kami ng isang guro… at pinunta kami sa OSA(Office of Student Affairs) at yan… nalaman namin na isa pala itong napakalubhang Problema… Destruction of School Property = MAJOR OFFENCE!!! at dahil sa hindi namin pagsunod… binigyan kami ng parusang… Kick Out… At kaya po ako nagpapaalam dahil doon…

Part 2!

        Ngayon sa pangalawa… Walong taon na akong nag-aaral sa eskwelahan na iyon… Pinaghalong Saya at Pagdurusa ang aking nadama sa eskwelahan na iyon… pero ngayon lang ako natuto… magkaroon ng puso… Noon ang habol ko lang sa eskwela ay pumasok at mag-aral. Ngayon ay Makipagkaibigan ng totoo at Maintindihan ang Emosyon ng aking mga kaibigan… Hindi na naging bato ang puso ko na walang pake kung masaktan at walang pake sa mga taong nakapaligid sa akin… Natuto na ako magmahal ng totoo at tumanggap ng sakit at lahat… Naging… Tao ako… Hindi na tulad ng isang robot na walang pake sa mundo… Isang tao na… na may Emosyon at buhay!

        Ngunit… ng tingnan ko itong mga huling araw… Ako’y napaisip at napatingin… makikick out na ako at lilipat na ako ng school pero… para bang wala silang pake? para bang ok mawala ka ayos lang… Ngayon ko lng naintindihan to… na masakit pala ang hindi napapansin… Parang ayoko na pumasok sa eskwelahan nung maisip ko ito… Para bang gusto ko na rin yakapin ang Talim ng kutsilyo! Parang… Ayoko na… Mabuhay… Kaya minsan naisip ko sana nga malipat ako ng school… sana naman may masaktan sa pag alis ko… sana naman makita niya naman ako… Sana nga pero… Sino ba naman masasaktan sa pagkawala ko? wala naman din ako nagawa masyado sa buhay nila? naging lapastangan nga akong kaibigan kung iisipin e diba? Kaya sa tingin ko kung mamatay nga ako walang iiyak! imbis na umiyak sila’y maghahanda ng pyesta!!! sa araw ng pagkawala ko! Sila’y magagalak! pero diba yaon naman ang gusto ko maging masaya sila sa aking pagkawala?

        Ayoko na… Hindi ko na kaya… Kailangan ko uli magtago sa loob ng bato para hindi na ako masaktan pa… Wala akong kwenta… Pero… Sa tingin ko Kapalaran ko lang talaga ito… Kung ganoon… Bahala na ang Diyos sa akin…

Paalam…

Friday, March 17th, 2006

        Naguguluhan ba kayo sa titulo na aking napili? Pasensiya na pero ako’y nalulungkot nanaman… At may mga nais lang ako sabihin sa mga Minamahal ko…

        Sa lahat ng taong naging kaibigan ko dito sa internet… Nais ko lang sabihin… Patawad sa mga ginawa kong pagsasabi ng hindi totoo sa inyo… Binulag ko kayo at tiningnan niyo ako bilang isang taong kakaiba… Tutal dito sa internet kahit alin ay pwedeng mangyari… kaya ako’y nagibang tao dito at naging isang perpektong tao na kinamumuhian ng lahat… Simula ngayon ako’y magiging totoo sa inyo… Pangako ko iyan…

        Sa aking mga naging kaklase… Ako’y humihingi ng patawad sa mga naging kaaway ko o nagawan ko ng kasalanan… Wala lang talaga ako sa tamang pagiisip nung oras na iyon… Salamat rin sa mga ginawa niyo sa akin na nagbago sa aking buhay… mas naging maayos ako… mas naging normal ako… At mas nagkaroon ng tiwala sa sarili… Salamat sa Taon na puno ng saya, hirap, at kung ano ano pang emosyon… pagkat kahit anong mangyari… hindi ko ipagpapalit itong taon na ito kesa sa iba… Taga Barbara ako at Ikinagagalak ko iyon!!! Tulad din sa Agnes!!! Ikinagagalak ko din maging isa sa Agnes kahit wala akong kasiyahan sa taong iyon… Ikinagagalak ko kayo…

        At Paalam… dahil baka lumipat na nga talaga ako ng eskwelahan… or hindi kaya mamatay dahil sa lungkot na aking nadadama… Dahil lamang sa black board na iyon… Sana naman mapatawad ako ng magulang ko sa UNANG KALOKOHAN KO NA MALUBHA!!! Dahil kahit kailan hindi ako naging ganito kabaliw… Wala akong sinisising iba kundi sarili ko… hindi ko naman kasi pwede sisihin ang mga kaibigan ko… pagkat ako ang pumili na sumama sa kanilang kalokohan… PINILI ko gawin iyon… kaya sa tingin ko wala ngang ibang masisisi kundi ako…

~O~O~O~O~O~

        para naman sumaya ako… pupunta kami ng pamilya ko sa puerto gilera bukas… sensya na kung mali spelling hehe… at hindi pa alam currently as of this time ng mga magulang ko na nagloko ako… good luck na lang sa akin diba? hehe…

~O~O~O~O~O~

EDITED:

        nasabi ko na sa magulang ko… at ang makulit pa dun parang walang nangyari!!! hehe… wala lang… natuwa lang ako dahil natanggap niya…

Friends…

Tuesday, March 14th, 2006

       

Friends… One of those things that you treasure. Those guys that make you happy. Those guys that are always there by your side. I once thought of my Friends as Assets. An important thing in my life… Well I did a little wrong spelling… You see "Assets" is off by 3 letters that is "ets" leaving you this 3 letters left "ASS"

        Almost all of my friends are a pain in the ass and yes they are assholes… fuck them…
good thing there are still "True" friends out there… And my true friends they are my only hope to live from this life of mine…
      
        And as for those friends… I guess I won’t consider them as "Assets" anymore… I’ll just consider them as trash and throm em away. I have to move on. Good thing summer’s here… I can now have a good vacation away from this "Assets"

~O~O~O~O~O~

A Short Writing… I just love writing… it lessens a bit of my pain inside ^^ but I know I still need some grammar fixing. hehe… I guess I’m done /ho

Mga Problema sa Ngayon…

Thursday, March 9th, 2006

        Hay… Kahit masaya ako ngayon nararapat ko isulat ito para may mahanap akong paraan para maayos ang problema ko… Unang una sa lahat bago yung malaking problema. Sa eskwela muna. Wala naman masyadong problema sa totoo nga e naayos ko na sarili ko umalis na ako sa barkadang iyon at hindi na ako magdadala ng gitara kahit kailan. Pero kung malaman na nila at maintindihang maiigi ang salitang RESPETO. Baka magbago ang aking isip pero sa tingin ko wala ng pag-asa… patapos na ang year e…

        Eskwela pa rin… May iniisip akong gawin pero parang ang hirap e… Ano nga ba tong iniisip kong gawin? Nais ko sana sabihin ng harap harapan sa babaeng minamahal ko ang nadarama ko bago magtapos ang taon para pagkatapos nun wala na akong bigat sa dibdib basta nasabi ko na ang nasabi ko ngayon bahala na siya kung anong reaksyon niya… pero sana naman hindi siya magalit…

        Ngayon ang pinaka problema ko ngayon… sa Pamilya… Tatay ko may kabit… Nagkasigawan sila ng nanay ko… Ako naman dinedma ko na lang ang pangyayari dahil parang nasanay na ako… pero… iba itong away na to… umabot na sa pagsabi nang aking ama ng masasaklap na mga salitang ito na dumurog sa puso ko…

"Tumahimik ka nga!!! TANGINA!!! Gusto mo ba patayin ko kayong tatlong magiina? Tatlong bala lang mawawala sa akin! Pamilya? anong pake ko!!!"

      

Ngayon nasa isip ko… Tinuruan mo ako maging lapastangan na tao… ngayon dahil sa ginawa mo sa aking ito… sarili mong ugali ang papatay sayo… AKO ang anak mo… na tinuruan mo humawak ng baril mong iyan at lahat ng kagaguhan na alam mo… ang tututok ng baril sayo… at tatapusin ang buhay mo… hindi na kita kayang respetuhin… dahil kami mismo hindi mo nirerespeto… nararapat ka lang mamatay…

        Wala e puno talaga ng problema e… bale ayos lang hahaha! Sige dito na ako magtatapos baka mawalan pa ako ng saya e.

Death Wishes

Monday, March 6th, 2006

        Well I just had some Death wishes… NO not the thing about getting a gun then killing myself not that Death Wish… I’m talking about the things that I wish to happen when I die… I know I’m still young and it’s quite stupid to think of things like this… but I want to write and so… I guess I’ll start…

        At the day that I die I wish no one to cry… I know that will be hard but I’ve got a plan… I wanna die when my parents are gone… and my sister too… and I’ll live life as a bachelor… just me, myself and I… I don’t wanna have a wife and children because… I don’t want them to get hurt on my departure to this world… I don’t want anyone to get hurt that’s why when I feel death calling me… I’ll quickly hide myself and see that nobody will care on the day that I die… Next… on the day that I die… I want to be happy by seeing the people around me happy… so when I’m dead and before I’m dead I want to see people happy… no one crying… I’ll love that scene… I’m already getting burried and there’s no one seeing me getting burried… they are all having fun… yes I’ll like that… as if nothing happened when I die… as if I never existed… yes… that will be a good death…

        A death wish that I wish to happen… My Death wish…

Enchanted Kingdom!

Saturday, March 4th, 2006

      

YEHEY!!! PUMUNTA KAMI SA EK!!! ULUL!!!! hehe… Tae punuan kahapon yung EK kasi maraming pumunta dun na nanood nang Exodus… kasi diba mananalo ka nang ticket pag nanood ka nang exodus? kaya yun nanalo kami pero ngayon lang namin ginamit kasi b-day nang ate ko yun hehe… pero sa tuesday pa b-day nang ate ko ginawa lang sat para masaya!

        Well kahit punuan at mahirap magrides nakaanim ako nang araw na iyon! pero may isa lang an espesyal na ride na hindi ko pa nasasakyan… yun ay ang space shuttle… tae ang haba nang pila pumasok ako dun 6:00 napunta ako dun sa harap mga 8:00 2 hours of waiting… 1st time ko pa… at again soloista ako… ayaw nang ate ko dahil ewan ko sa kanya nanay ko ayaw dahil syempre nanay ko yun e! kaya yun mag-isa ako buti na lang may mp3 akong dala kaya nakinig lang ako buong 2 hours… tae habang naghihintay nakakailang yung tunog nung ride… para bang liliparin sila or somethin… pero buo pa rin ang loob ko nun punong puno ako nang tapang… sabi ko wala akong kakatakutan ngayon oras na para tanggalin ang mga takot ko sa buhay wakekekeke. pero nung andun na pinili ko talaga harap na harap… nung una kinukuha na kami paatras wala akong pake buo loob ko… maya maya parang nappatingin na ako sa baba… humihina na loob ko sabay bitaw nawalan na talaga ako nang tapang sigaw ako nang sigaw! AMF WAAAAAA AAAAAAA OMG HINDE!!!! sabay napunta na dun sa kabilang dulo yung paatras… hay nakahiga na… relaxation time… sabay biglang bitaw… WAAA AYOKO PA MALAGLAG!!!! WAAAA!!!! todo kapit talaga ako dun sa belt thing muka kasing matatanggal e… pero atleast nalabanan ko diba? nakasakay ako first time diba? wakekekeke.

        Let’s see ano bang rides mga nasakyan ko nung araw na iyon…

  1. Rialto
  2. Ferris Wheel
  3. SPACE SHUTTLE!!!
  4. up up and away…
  5. grand carousel…
  6. Flying Fiesta!
  7. RIO GRANDE RAPIDS!!!

      

Well the fun parts are only 1, 2, 3, 6, and 7… well actually 1 was just fun because of the screaming of the guy beside me but the ride wasn’t even scary… 2 was fun because well it’s a ferris wheel?! sight seeing the air ya know!!! and of course 3 is fun because it’s a first time!!! 4 well it was a bit fun because of some people shouting and stuff hahaha though it got me dizzy @_@ 5? err no comment… 6 well because it’s one of mah fave rides!!! and 7 because I didn’t get wet woooh!!!

        I guess I’m done haha byers~!

Friday night RAW!!!

Friday, March 3rd, 2006

        Alam ko matagal na dapat itong naisulat pero tinatamad lang talaga ako at may sakit ako nung oras na iyon kaya pasensya na lang… Well andito ako upang pagusapan ang nangyari nung gabing iyon… Maguumpisa na nga ako… Well pumunta ako doon solo-flight!!! walang kasama akala ko peste nga e tapos may lagnat pa ako nun tapos may kudeta pa pakshet na buhay to o! akala ko d na masaya pero nagkamali pala ako…

        Maraming tao sa entrance 3:00pm pa lang iyon pero ang talagang start ay 6:00pm pero andami kagad tao. buti na lang nakakuha pa ako nang maayos na seat for me, myself and of course I!!! bawat tapos nung song may mga kanta kanta kasi mga slpknot stuff blah mga rock type!!! nag sisigawan mga audience nang WOOH!!! yung kay flair kakatuwa nga e ako kahit paos ginawa ko e wakekekeke!!! ano pa ba umm a alam ko na lumabas si foley para sumilip di naman nagsalita tae daming nag WOOH!!! pero maya maya lumabas si the coach! daming nagboo hahahaha!!! tapos maya maya nung malapit na mga 5:30pm ata yun inayos nang isang referee yung ring! tae nakakatuwa kahit referee lang pinagkaguluhan nang mga tao ahahaha!!! astig sobra!!! ano pa ba… nung nagstart na daming pautok astig wakekekeke ang galing nung effects nung fireworks nakakamangha sobra!!!  tapos maya maya nagsalita yung announcer nang are you ready to rumble blah tapos  nagpakita ang diva na si maria blah… ok game na labanan na!!!

        1st match Euegene vs Tyson! ayos naman yung laban may pagkatotoo at ang kulit ni eugene at ang laki nang katawan ni tyson!!! ang saya nung laban nila sinakyan pa ni eugene si tyson hahaha wel ang nanalo syempre sa laban ay si EUGENE

        2nd match The Masterpiece vs Val Venis! makutli yung umpisa niya nung pumasok si masterpiece tae anlaki nang katawan pinagalaw niya yung muscles niya naaliw yung audience haha! tapos nung si venis lumabas diba may towel yun? winagayway niya tapos binigay sa isang batang babae… PEDOPHILE HAHAHAHA!!! well masaya yung laban
halos makatotohanan lahat nang nangyari sa laban nila kasi maingay e
pero ang nanalo sa laban na iyon ay si MASTERPIECE!!!

        3rd match Snitsky vs Viscera! panget ni snitsky!!! hahaha dito may napansing peke apat na beses nabilang tinuring pa ring 2… bobo ampucha yung referee!!! well masaya yung laban kahit papano ginawang tibak ni viscera yung suot ni snitsky sabay binurjok niya ito hahahaha! ang nanalo sa laban na ito ay si VISCERA!

        4th match torrie wilson vs trish stratus! diva fight na pla to… well mas peke ito kasi alam niyo ba yung stratusfaction? yung special move ni trish well talagang sinalo ni torrie yung move kitang kita kaya whapak peke ang nanalo ay si trish at nung tapos na ang laban pinalo palo ni trish sa pwet si torrie… corny amfufu…

        5th match Carlito vs RVD! astig tong laban nila hahaha! tapos yung start din masaya! kasi nung lumabas si carlito daming nagsihiyaw! pero nung lumabas na si rvd nawalan nang pansin si carlito at naging mas malakas ang hiyaw kay rvd hahaha! well para makakuha nang atensyon kinuha ni carlito ang t-shirt niya tapos winagayway! tingin sa kaliwa kanan harap likod paulit ulit tapos dahan dahan lumabas nang ring tapos pumunta dun sa labasan nang wrestlers at binato dun yung t-shirt! inuto niya ang audience tawa ako nang tawa dahil dun hahahah! well masaya laban nila and stuff nga pero more on carlito kasi ako e pero alam kong mananalo e yung isa… ginamit ni carlito apple niya duduraan na sana si rvd kaso nasipa siya sa muka lipad yung laman nang bibig niya sa ere talo si carlito… ang nanalo sa laban ay si RVD!!!

        6th match shelton benjamin vs ric flair! WOOH RIC IS IN FLAIR COUNTRY!!!! AND SHELTON IS A MAMA’S BOY!!! YAHOO!!! hahaha saya dito sa part na ito!!! pinuri ni flair ang pilipinas wakekekeke! ayos naman ang laban pero may pagkapeke nga naman… pero masaya siya dahil maraming gaguhan nan lolow blow lagi si ric hahaha!!!  Ang nanalo nga lang sa laban ay si SHELTON dahil sa pag gamit nang ropes dun sa pag pin…

        7th match TRIPLE H!!! VS THE BIG SHOW!!!! YEAH!!! IT’S THE GAME AND THE GIANT!!!! GOING 1 ON 1!!!! STREET FIGHT!!!! IT’S ONE HELL OF A MATCH!!!! Hindi na kinailangan ni big show nang weapons kasi ang katawa niya na mismo yung weapon e hahahaha!!! pero si triple h kuha pa nang kuha nang gamit e chains, steel chair, steel steps. those things! hindi nga lang nailabas yung EQUALIZER!!! sledge hammer kaya hindi masyado masaya… pero tae nakakatakot yung laban sinakal si bigshow nang chain… e idol ko pa naman si bigshow… nanalo si triple H sa laban na ito gamit ang mga barbaric weapons niya…

        MAIN EVENT!!! EDGE w/ lita at ring side VS!!!! JOHN CENA!!!! w/ SPECIAL GUEST REFEREE!!! MICK FOLEY THE HARDCORE LEGEND!!!! YEAH!!! It was cool and all! masaya yung laban at makulit hahahaha!!! pinagtritripan ni foley sina edge at lita. tapos yung mga tao naman… Boys:Let’s go edge!!! Girls:Let’s go Cena!!! HAHAHAHA XD naghati yung sigaw e!!! pero d naman ako ganun kaadik sa laban nila so d ko masyado pinansin ang nanalo dun sa laban na iyon dahil syempre adik! ay si CENA tapos nung malapit na matapos ang laban ginamit ni foley yung sucko niya kay edge at lita hehehe XD BAHO NUN!!! kakatawa pa nga dun e tinagalog nang iba hehe SAKO SAKO SAKO SAKO!!! XD

        Well yan tapos na ako… anyways bago ko tapusin nung patapos na rin yung palabas nang raw nung gabing iyon nag bigay nang last word si mick foley na tagalog… sabi niya… "Mahal Kita" Mali yung tinuro sa kanya wakekekeke!!! diba dapat "Mahal namin kayo" oh well pake ko basta ansaya nung palabas!!! o sige adios na sa inyo WOOH!!!!