Halo Halo!!!
Pasensya na pero naguguluhan ako ngayon. dahil marami akong dapat sabihin sa inyo. Unang una ay ano ba yaong nangyari at nagpapaalam ako? May mga nasabi akong blackboard, lilipat ng skwela, Ano ba ibig sabihin nun? Ano ba nangyari?
Part 1!
Kaya andito ito para masabi ko yung parteng yon… Umpisa muna tayo sa nakaraang Taon… Nung nakaraang taon kasi napagtripan ng kaklase ko na suntukin yung board lumubog lng siya pero hindi nabutas pero dahil sa akin at sa isa ko pang kaklase… nabutas to ng tuluyan pinaglaruan e… ngayong patapos na ang taon… narinig namin kung magkano yung kapalit ng kalokohan namin… isang maliit na butas ay naghahalaga ng WALONG DAAN!!! isang sobrang napakaliit na butas WALONG DAAN!!! Nagulat kami sa aming narinig. Kaya napagplanuhan namin na wasakin ng tuluyan yung board… mamayang uwian nagumpisa na kami… Siniko ko yung board at kung ano sinipa ng kaklase ko at sinuntok ng iba ko pang kaklase… duguan ang aming mga kamay… Maya maya nahuli kami ng isang guro… at pinunta kami sa OSA(Office of Student Affairs) at yan… nalaman namin na isa pala itong napakalubhang Problema… Destruction of School Property = MAJOR OFFENCE!!! at dahil sa hindi namin pagsunod… binigyan kami ng parusang… Kick Out… At kaya po ako nagpapaalam dahil doon…
Part 2!
Ngayon sa pangalawa… Walong taon na akong nag-aaral sa eskwelahan na iyon… Pinaghalong Saya at Pagdurusa ang aking nadama sa eskwelahan na iyon… pero ngayon lang ako natuto… magkaroon ng puso… Noon ang habol ko lang sa eskwela ay pumasok at mag-aral. Ngayon ay Makipagkaibigan ng totoo at Maintindihan ang Emosyon ng aking mga kaibigan… Hindi na naging bato ang puso ko na walang pake kung masaktan at walang pake sa mga taong nakapaligid sa akin… Natuto na ako magmahal ng totoo at tumanggap ng sakit at lahat… Naging… Tao ako… Hindi na tulad ng isang robot na walang pake sa mundo… Isang tao na… na may Emosyon at buhay!
Ngunit… ng tingnan ko itong mga huling araw… Ako’y napaisip at napatingin… makikick out na ako at lilipat na ako ng school pero… para bang wala silang pake? para bang ok mawala ka ayos lang… Ngayon ko lng naintindihan to… na masakit pala ang hindi napapansin… Parang ayoko na pumasok sa eskwelahan nung maisip ko ito… Para bang gusto ko na rin yakapin ang Talim ng kutsilyo! Parang… Ayoko na… Mabuhay… Kaya minsan naisip ko sana nga malipat ako ng school… sana naman may masaktan sa pag alis ko… sana naman makita niya naman ako… Sana nga pero… Sino ba naman masasaktan sa pagkawala ko? wala naman din ako nagawa masyado sa buhay nila? naging lapastangan nga akong kaibigan kung iisipin e diba? Kaya sa tingin ko kung mamatay nga ako walang iiyak! imbis na umiyak sila’y maghahanda ng pyesta!!! sa araw ng pagkawala ko! Sila’y magagalak! pero diba yaon naman ang gusto ko maging masaya sila sa aking pagkawala?
Ayoko na… Hindi ko na kaya… Kailangan ko uli magtago sa loob ng bato para hindi na ako masaktan pa… Wala akong kwenta… Pero… Sa tingin ko Kapalaran ko lang talaga ito… Kung ganoon… Bahala na ang Diyos sa akin…
March 20th, 2006 at 4:16 am
abnormal ka talaga arthur!
of all the stupid things you could do…why the hell did you have to do that
March 20th, 2006 at 11:05 pm
Wala ako sa tamang pagiisip nun… Parang napasama lang ako sa mga kaibigan ko *sigh*
March 20th, 2006 at 11:56 pm
Peer pressure is bad. D:
March 21st, 2006 at 11:59 am
*knocks arthur’s head with a stone mallet*
ayusin mo buhay mo XD
magloko ka pag college ka na XD
March 21st, 2006 at 2:21 pm
Pasaway! Sana nagbayad na lang ng 800 pesos tsk tsk tsk
March 21st, 2006 at 10:49 pm
Sayang talaga pare… Sana naisip mo kung anong mga consequences ng mga gagawin nyo.
But anyway, what’s done is done. I hope you have better luck in your next school. May this be a lesson learned, and God bless always…
March 22nd, 2006 at 2:57 am
Merong hinihinging Reconsideration letter… mukang papatawarin pa ako…