Mga Problema sa Ngayon…

        Hay… Kahit masaya ako ngayon nararapat ko isulat ito para may mahanap akong paraan para maayos ang problema ko… Unang una sa lahat bago yung malaking problema. Sa eskwela muna. Wala naman masyadong problema sa totoo nga e naayos ko na sarili ko umalis na ako sa barkadang iyon at hindi na ako magdadala ng gitara kahit kailan. Pero kung malaman na nila at maintindihang maiigi ang salitang RESPETO. Baka magbago ang aking isip pero sa tingin ko wala ng pag-asa… patapos na ang year e…

        Eskwela pa rin… May iniisip akong gawin pero parang ang hirap e… Ano nga ba tong iniisip kong gawin? Nais ko sana sabihin ng harap harapan sa babaeng minamahal ko ang nadarama ko bago magtapos ang taon para pagkatapos nun wala na akong bigat sa dibdib basta nasabi ko na ang nasabi ko ngayon bahala na siya kung anong reaksyon niya… pero sana naman hindi siya magalit…

        Ngayon ang pinaka problema ko ngayon… sa Pamilya… Tatay ko may kabit… Nagkasigawan sila ng nanay ko… Ako naman dinedma ko na lang ang pangyayari dahil parang nasanay na ako… pero… iba itong away na to… umabot na sa pagsabi nang aking ama ng masasaklap na mga salitang ito na dumurog sa puso ko…

"Tumahimik ka nga!!! TANGINA!!! Gusto mo ba patayin ko kayong tatlong magiina? Tatlong bala lang mawawala sa akin! Pamilya? anong pake ko!!!"

      

Ngayon nasa isip ko… Tinuruan mo ako maging lapastangan na tao… ngayon dahil sa ginawa mo sa aking ito… sarili mong ugali ang papatay sayo… AKO ang anak mo… na tinuruan mo humawak ng baril mong iyan at lahat ng kagaguhan na alam mo… ang tututok ng baril sayo… at tatapusin ang buhay mo… hindi na kita kayang respetuhin… dahil kami mismo hindi mo nirerespeto… nararapat ka lang mamatay…

        Wala e puno talaga ng problema e… bale ayos lang hahaha! Sige dito na ako magtatapos baka mawalan pa ako ng saya e.

One Response to “Mga Problema sa Ngayon…”

  1. Gerald Angelo Says:

    O_______o…

    ow.

Leave a Reply