Paalam…
Naguguluhan ba kayo sa titulo na aking napili? Pasensiya na pero ako’y nalulungkot nanaman… At may mga nais lang ako sabihin sa mga Minamahal ko…
Sa lahat ng taong naging kaibigan ko dito sa internet… Nais ko lang sabihin… Patawad sa mga ginawa kong pagsasabi ng hindi totoo sa inyo… Binulag ko kayo at tiningnan niyo ako bilang isang taong kakaiba… Tutal dito sa internet kahit alin ay pwedeng mangyari… kaya ako’y nagibang tao dito at naging isang perpektong tao na kinamumuhian ng lahat… Simula ngayon ako’y magiging totoo sa inyo… Pangako ko iyan…
Sa aking mga naging kaklase… Ako’y humihingi ng patawad sa mga naging kaaway ko o nagawan ko ng kasalanan… Wala lang talaga ako sa tamang pagiisip nung oras na iyon… Salamat rin sa mga ginawa niyo sa akin na nagbago sa aking buhay… mas naging maayos ako… mas naging normal ako… At mas nagkaroon ng tiwala sa sarili… Salamat sa Taon na puno ng saya, hirap, at kung ano ano pang emosyon… pagkat kahit anong mangyari… hindi ko ipagpapalit itong taon na ito kesa sa iba… Taga Barbara ako at Ikinagagalak ko iyon!!! Tulad din sa Agnes!!! Ikinagagalak ko din maging isa sa Agnes kahit wala akong kasiyahan sa taong iyon… Ikinagagalak ko kayo…
At Paalam… dahil baka lumipat na nga talaga ako ng eskwelahan… or hindi kaya mamatay dahil sa lungkot na aking nadadama… Dahil lamang sa black board na iyon… Sana naman mapatawad ako ng magulang ko sa UNANG KALOKOHAN KO NA MALUBHA!!! Dahil kahit kailan hindi ako naging ganito kabaliw… Wala akong sinisising iba kundi sarili ko… hindi ko naman kasi pwede sisihin ang mga kaibigan ko… pagkat ako ang pumili na sumama sa kanilang kalokohan… PINILI ko gawin iyon… kaya sa tingin ko wala ngang ibang masisisi kundi ako…
~O~O~O~O~O~
para naman sumaya ako… pupunta kami ng pamilya ko sa puerto gilera bukas… sensya na kung mali spelling hehe… at hindi pa alam currently as of this time ng mga magulang ko na nagloko ako… good luck na lang sa akin diba? hehe…
~O~O~O~O~O~
EDITED:
nasabi ko na sa magulang ko… at ang makulit pa dun parang walang nangyari!!! hehe… wala lang… natuwa lang ako dahil natanggap niya…